Rocco registered nurse pero hindi naging frontline

April 29, 2020
Rocco Nacino

BAGO ipinatupad ang ECQ dahil sa Covid-19 pandemic, plano sana ng Kapuso actor na si Rocco Nacino na makalipat  sa kanyang ipinatayong four-storey house sa isang exclusive subdivision in Antipolo City para doon na rin idaos sana ang kanyang ika-33 na kaarawan  pero hindi ito nangyari.  Rocco turned 33 last March 21, anim na araw matapos i-deklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ECQ nung midnight ng March 15. Dahil din sa ECQ ay nahinto rin ang finishing touches ng kanyang bahay.  

Siguro kung hindi pinasok ni Rocco ang pagiging isang artista ay malamang isa siya ngayon sa mga frontiner.  Unknown to many, si Rocco ay isang registered nurse na never niyang na-practice dahil inagaw na siya ng showbiz, bagay na hindi naman pinagsisisihan ng actor na isa na ring entrepreneur.

Si Rocco ay happily in a relationship with his girlfriend of two years, ang professional volleyball player and TV host na si Melissa Gohing.