Rochelle at Aira may online fitness class

July 26, 2020
Rochelle Pangilinan
Rochelle Pangilinan

GOOD news para sa mga nais magkaroon ng ‘quarantoned’ body habang nasa kanilang mga bahay dahil mayroong isinasagawang online fitness class ang Kapuso actress na si Rochelle Pangilinan katuwang ang kaibigan na si Aira Bermudez.

Ang “Workout with Aira and Rochelle" or WAR ng former Sexbomb dancers ay nagtuturo ng iba’t ibang home workouts pati na rin dance class online. 

Si Rochelle ang nagtuturo ng workouts tuwing umaga habang si Aira naman ang namumuno ng dance class sa gabi.

Kwento ni Rochelle, “Yung mga natutunan ko dati sa dance class na ina-attend-an ko nung mga kabataan namin, nagsisimula palang kami, nilagay namin dito.”

“Meron naman tayong tinatawag na basic, meron ding intense. Depende naman kasi sa mga students kaya huwag silang matatakot," dagdag naman ni Aira.