Roderick nahaharap sa matinding problema

March 19, 2019
Roderick Paulate

NAHAHARAP ngayon sa matinding problema ang actor-comedian at konsehal ng ika-2nd district ng Quezon City at tumatakbong vice-mayor ng siyudad sa darating na mid-term elections sa  Mayo 13  na si Roderick Paulate matapos itong patawan ng 90-day suspension ng Sandiganbayan 7th Division. Ito ay may kinalaman sa kanyang pending graft case kung saan siya’y inakusahan ng pagkakaroon ng 30 ghost employees sa kanyang city council payroll.

Ang Office of the Ombudsman ay nag-file ng graft at multiple falsification charges against Paulate nung April 2018.  Agad namang nakapag-post ng bail sa halagang P246,000 ang actor-politician ilang araw matapos siyang sampahan ng kaso.

Ang desisyon ng Sandiganbayan 7th Division ay kinukwestiyon ni Paulate matapos i-reverse ng Court of Appeals ang kasong isinampa ng Office of the Ombudsman na administrative case laban sa kanya dahil sa kakulangan ng ebidensya.  Idiniin din ng konsehal na wala umanong basehan ang kanyang suspension dahil natapos na umano ang investigation ng kanyang kaso sa Office of the Ombudsman.

Samantala, sa March 29, 2019 na magsisimula ang kampanya ng mga local candidates na tatakbo at ito’y magtatapos sa May 11, 2019.  Kapag hindi ma-apela o ma-reverse ang naging desisyon  ng Sandiganbayan 7th Division, tiyak na apektado ang  natitirang mga araw ni Roderick bilang konsehal ng ika-2nd district ng Quezon City  at sa kanyang kandidatura at pangangampanya  sa pagka-vice mayor ng Quezon City.