Rodjun at Dianne nagpaabot ng tulong bilang pasasalamat

April 24, 2020
Rodjun Cruz and Dianne Medina
Rodjun Cruz and Dianne Medina

SA gitna ng malulungkot at malalagim na balita dahil sa COVID 19, may good news na dumating sa kanilang buhay nang ianunsyo ng mag-asawang Rodjun Cruz at Dianne Medina ang pagbubuntis ng huli. At bilang pasasalamat na rin, hindi sila nakakalimot na magpaabot ng tulong sa mga apektado ng pandemic. 

Sa Instagram ni Dianne, ibinahagi nito ang larawan nila ni Rodjun na suot-suot ang reliable at waterproof personal protective equipments (PPEs) na gawa locally. Makakatulong daw ang malilikom na pera mula sa mga bibili ng nasabing PPEs sa mga sewer at delivery truck drivers pati na sa kanilang mga pamilya na higit na apektado ng ipinatupad na enhanced community quarantine. “Let us also support our sewers, delivery truck drivers pati po ang kanilang mga pamilya. This is also our own little way of helping them by promoting their products thank you,” ani Dianne.