Ronnie binati bilang 'future wife' si Loisa

April 23, 2020
Loisa Andalio and Ronnie Alonte

SA kaarawan ni Loisa Andalio last Tuesday, April 21, hindi nakalimot ang kanyang kasintahan  of two years, ang Hashtag member-turned actor na si Ronnie Alonte na batiin ito. “Feliz compleanos a mis futura esposa,” bati ng dancer-actor sa kanyang girlfriend sa kanyang Instagram account na ang ibig sabihan ay “Happy birthday to my future wife”.

Nag-isip tuloy ang mga tagahanga ng dalawa pati na rin ang netizens na mukhang sigurado na si Ronnie na si Loisa na ang gusto niyang maging misis balang araw.

Loisa turned 21 nung April 21 habang 23 years old naman si Ronnie.

Si Loisa ay kapanabayan nina Joshua Garcia at Maris Racal sa 2014 “PBB: All In” bago naging miyembro ng GirlTrends all-girl dance group ng “It’s Showtime” habang si Ronnie ay miyembro ng all-mall dance group na Hashtags.

Sa loob at labas ng PBB ay naging close sina Loisa at Joshua pero ito’y naudlot nang ipareha si Joshua kay Julia Barretto and eventually naging magkasintahan.  At that time six years ago, 15 pa lamang si Loisa at 17 naman si Joshua.

Kung si Loisa ay masaya ang lovelife ngayon with Ronnie, loveless naman si Joshua matapos silang magkahiwalay ni Julia in April last year.