Royal watch: Baby Archie, bibinyagan sa sabado

July 02, 2019

SA darating na Sabado, July 6 ang binyag ng bagong miyembro ng royal family na si Archie Harrison Mountbatten-Windsor,  ang unang supling ng Duke and Duchess of Sussex na sina Prince Harry at Meghan Markle sa isang intimate ceremony na gaganapin sa isang  chapel sa loob ng Windsor Castle, hindi ang St. George’s Chapel kung saan bininyagan si Prince Harry nung 1984 at kung saan din ginanap ang kasal nina Prince Harry at Meghan nung May 19, 2018.  

Bukod sa ilang tatayong godparents ng royal baby na si Archie, hindi lalagpas sa 25 ang inaasahang dadalo sa baptism ni Baby Archie at kasama na rito ang ina ni Meghan na si Doris Ragland na lilipad galing Los Angeles, California kung saan ito naka-base, ang Prince of Wales na si Prince Charles at ang Duchess of Cornwall na si Camilla Bowles, ang Duke and Duchess of Cambridge na sina Prince William at Kate Middleton at iba pa.  Inaasahan din ang pagdalo ng malalapit na kaibigan nina Prince Harry at Meghan tulad ng tennis star na si Serena Williams, ang close friend ni Meghan na si Jessica Mulroney na lilipad from Canada at inaasahang tatayong godparents ni Baby Archie maging ang mentor ni Prince Harry na si Mark Dyer na ang anak na si Jasper ay tumayong pageboy sa kasal mismo nina Prince Harry at Meghan, ang Soho House director na si Markus Anderson na close na kaibigan ng royal couple.

Hindi naman makakadalo ang grandmother ni Prince Harry, ang 93-year-old na si Queen Elizabeth II at si Prince Philip, Duke of Edinburgh dahil sa kanilang previous commitment.  Hindi rin nakadalo ang dalawa sa binyag ng bunsong anak nina Prince William at Kate Middleton na si Prince Louis dahil din sa iba nilang commitment.

Ang baptism ceremony ay nakatakdang i-officiate ng Archbishop of Canterbury na si Justin Welby.  Ang service ay isusunod sa traditional royal tradition kung saan ang ibubuhos sa ulo ng royal baby na si Archie ay magmumula sa Jordan River.

Tulad ng mga pinsan ni Baby Archie na sina Prince George, Princess Charlotte at Prince Louis (mga anak nina Prince Harry at Kate Middleton), magsusuot din si Baby Archie ng replica ng Honiton gown na ginawa para palitan ang original robe na ipinagawa ni Queen Victoria para sa binyag ng kanyang anak na si Princess Victoria nung 1841.  Ang nasabing robe ay ginamit ng 62 royal babies sa loob ng 163 years pero nung 2004, ito’y pinalitan na ng kahalintulad na gown.

Eksaktong two months  na si Baby Archie sa araw mismo ng kanyang binyag sa darating na Sabado, July 6 dahil siya’y ipinanganak nung May 6, 2019.

Si Baby Archie ay pangpito sa British throne with Prince Harry as the 6th.  Next in line is Prince Charles na susundan ng panganay niyang si Prince William kasunod ang mga anak nitong sina Prince George, Princess Charlotte and Prince Louis.