Ruby negatibo sa COVID-19, nagpasalamat

April 02, 2020
Ruby Rodriguez
Ruby Rodriguez and son AJ

SA pamamagitan ng kanyang social media account, ipinaabot ng actress-comedienne at TV host na si Ruby Rodriguez ang kanyang pasasalamat sa lahat ng mga nagdasal at nagpaabot ng suporta sa kanyang namayapang kapatid na si Dr. Sally Rodriguez-Gatchalian, isa sa mga fallen heroes na nagbuwis ng buhay para labanan ang coronavirus (Covid-19).

Ibinahagi rin ni Ruby sa kanyang post na negatibo ang test niya ng Covid-19 gayundin ang kanyang mister na si Mark Aquino, anak na si AJ maging ang kanyang brother-in-law na si Dr. Ed Gatchalian, mister ng kanyang yumaong kapatid na si Dr. Sally Gatchalian.

Narito ang post ni Ruby: “Hi everyone! First of all we would like to thank everyone for continuously praying for the repose of the soul of our dearest sister Dr. Sally Gatchalian.  It is also with a smile now that I say my husband, my son AJ, myself and Dr. Ed Gatchalian were all tested for Covid-19 and we are all NEGATIVE.  Thank you all!!! For your payers means so much to us!  Thank you (heart emoji).”