Rufa Mae nasanay sa sa buhay-Amerika dahil sa lockdown

August 05, 2020

MARAMING celebrities ang inabutan ng lockdown sa iba’t ibang bansa at lugar ng Pilipinas.  Kasama sa mga ito ang pamilya ni Rica Peralejo maging si Rufa Mae Quinto with her family sa Amerika.

Last January ay bumalik ng Pilipinas ang mag-inang Rufa Mae at three-year old daughter na si Athena pero nanatili lamang sila rito sa loob ng dalawang linggo at muli silang bumalik ng Amerika.

Hindi ikinakaila ni Rufa Mae na itong quarantine period ang pinakamatagal niyang stay sa Amerika with her US-based husband na si Trevor Magallanes at anak nila.

Si Rufa Mae ay may bahay sa San Francisco, USA pero nakabili naman ang kanyang husband ng bago nilang bahay sa San Mateo, California kung saan sila nagi-stay ngayon.

Hindi ikinakaila ng singer-actress-comedienne na hindi siya sanay na matagal mamirmihan sa Amerika dahil nasa Pilipinas ang kanyang trabaho.  Mas sanay na umano sila ng anak niyang si Athena na pabalik-balik ng Amerika.  May pagkakataon naman na si Trevor ang umuuwi ng Pilipinas kapag nagkakaroon siya ng bakasyon.  Pero dahil sa lockdown, nabuo ang kanilang pamilya ng mahabang panahon (almost seven  months) at unti-unti na rin siyang nakapag-adjust sa buhay sa Amerika. Masaya rin si Athena dahil parati niyang kasama ngayon ang kanyang mommy at daddy.

Samantala, si Trevor ay dating nagtrabahong financial analyst pero nag-training na rin siya sa San Francisco Police Academy bilang preparasyon sa kanyang pagiging isang police officer.

Sina Rufa Mae at Trevor ay nagkakilala sa San Francisco, USA, got engaged in the US at nagpakasal sa Pilipinas nung November 25, 2016.  Isinilang naman ang kanilang daughter na si Athena nung February 18, 2017.

Ang singer-actress-comedienne ay huling napanood sa weekly sitcom na “Home Sweetie Home” in 2019.