Ruru fitness buff na rin

August 18, 2020

NAGIGING fitness buff ang Kapuso actor na si Ruru Madrid at talagang kinakarir niya ang pagpapaganda ng katawan sa pamamagitan ng home workout routines.

Kamakailan lang, ipinagmalaki ni Ruru ang kaniyang quarantoned body sa episode ng Mars Pa More kung saan tinuruan niya ang viewers kung paano ma-achieve ang flex-worthy arms na mayroon siya. Ang sikreto raw niya ay leveled-up variations of push-ups na nakakatulong na mas mag "pop-up" ang ating pecs (pectorals or pectoral muscles).