Ruru Madrid kumasa sa throwback challenge

April 15, 2020
Ruru Madrid
Ruru Madrid

ALIW na aliw ang netizens sa pa-throwback ng actor na si Ruru Madrid ng kaniyang 'totoy days' kung saan kitang-kita ang laki ng pinagbago niya nang mag-binata! Sa Instagram ni Ruru, ibinahagi niya ang kaniyang entry sa #GlowUpChallenge sa ipinagtabing photos ng itsura niya noon at ngayon. Kapansin-pansin na nag-mature na nga ang aktor.

Mula sa pagiging payatot ay isa na siya sa tinatawag na Kapuso Hunks ng kaniyang henerasyon. Tuwang-tuwa ang mga followers niya pati na rin ang kapwa celebrities na nag-react sa comments section. Samantala, patuloy ang naman ang throwback ni Ruru sa TV dahil muling napapanood gabi-gabi ang 'Encantadia' sa GMA Telebabad.