Ryan celebrates 41st birthday amid lockdown

April 12, 2020
Ryan Agoncillo and Judy Anne Santos

SA gitna ng pinalawig na enhanced community quarantine dahil sa Covid-19, simpleng naidaos ng TV host-actor na si Ryan Agoncillo ang kanyang 41st birthday sa piling ng kanyang asawang si Judy Ann Santos at mga anak na sina Yohan, Lucho at Luna nung nakaraang April 10, araw ng Biyernes.  Nagpaabot naman ng pagbati ang iba pang mga mahal sa buhay ni Ryan gayundin ang kanyang mga kaibigan in and out of showbiz.

On April 28 ay ika-11 wedding anniversary ng mag-asawang Ryan at Juday at malamang sa sila-sila rin sa kanilang bahay ang mag-celebrate dahil hanggang April 30 pa ang lockdown period that is,  kung hindi  na ito mai-extend.