Sam, kinilig kina Billy at James

March 01, 2019

Nag-blush, hiyang-hiya at kinikilig si Sam Concepcion nang marinig ang mga puri sa kanya nina Billy Crawford at James Reid, mga kasama niyang performers sa The CR3W Live in Concert sa Smart Araneta Coliseum sa April 5, 8 p.m.

Imagine nga naman, parehong good musicians ang dalawa, tapos siya pa ang idol.

Si Billy nga, binanggit na sina Sam at Jay-R ang best Filipino singers for him plus good dancer pa, kaya happy siya na makasama ito sa concert.

Ayon naman kay James, si Sam ang favorite singer niya of all time “and he’s a better singer and dancer in our country.”

“Napi-pressure ako. I looked up to Billy and I have so much respect for James’ music. May mutual understanding kaming tatlo,” pahayag ni Sam.

Naiinggit naman si Sam dahil guest ni Billy sa concert nila ang wife nitong si Coleen Garcia at si James, ang GF na si Nadine Lustre ang guest.

Si Sam, ang friend niyang si Yassi Pressman ang makakasama.

Naikwento ni Sam na hands on silang tatlo sa paghahanda sa concert at may mga input sila para mas maging maganda ang kalabasan.

From start to finish ng concert, kasama sila ni Director Paul Basinillo sa brainstorming.

Produced ng Viva Live ang The CR3W ay presented by Scratchit.