Sam at Nadine may 'di malilimutang experience sa Indonesia

April 03, 2019

MEMORABLE para sa dalawang Viva stars na sina Sam Concepcion at Nadine Lustre (mga pangunahing bituin ng dance movie na “Indak”) ang kanilang experience nang sila’y mapasama sa 7th anniversary grand celebration ng kilalang online shop na Lazada na ginanap sa Indonesia Convention Exhibition Center in Jakarta, Indonesia kamakailan lang. Said occasion was hosted by 2015 Miss Universe na si Pia Wurtzbach kasama ang Indonesian popular celebrity na si Nadya Hutagalung, ang Singaporean TV personality na si Allan Wu at ang Vietnamese comedian na si Tran Tranh.

Ang mga special guest performer ay pinangunahan ng British singer and songwriter na si DuaLipa, kasama ang dalawang Indonesian top performers na sina Agnez Mo at Kallula, si Dong Nhi from Vietnam at ang Urboy TJ from Thailand. Sina Sam at Nadine naman from the Philippines.

Although sanay na pareho sina Sam at Nadine mag-perform sa malaking stage at malalaking venue, kakaiba ang kanilang pakiramdam dahil bukod sa ito’y ginanap sa Indonesia at nasa harap sila ng international audience at kasama nila ang iba’t ibang kilalang artists from Southeast Asia at si DuaLipa.