Sanya aabangan ang electrifying na pagganap 

July 30, 2020
Sanya Lopez
Sanya Lopez

SI Sanya Lopez ang bibida sa next fesh episode ng Wish Ko Lang ngayong Sabado, August 1. At balita namin ay may challenging scenes si Sanya kasama si Ayeesha Cervantes na dapat abangan ng viewers. Gagampanan nina Sanya at Ayeesha ang magkapatid mula Laurel, Batangas na pumanaw nitong nakaraang Hulyo matapos matamaan ng kidlat sa kasagsagan ng ulan.

At dahil tungkol sa magkapatid ang kuwento, malamang ay humugot si Sanya sa kanyang personal na relationship sa kanyang Kuya Jak Roberto.

Marami ang humahanga sa galing ni Sanya sa pag-arte kaya naman looking forward ang fans na mapapanuod siya ngayong Sabado. Makakasama nina Sanya sina Sue Prado at Allan Paule na gaganap naman bilang kanilang mga magulang. Ang Descendents of the Sun 2nd Unit Director na si Direk Rommel Penesa ang nag-direk ng reenactment scenes ng Wish Ko Lang episode na mapapanuod ngayong Sabado pagkatapos ng Tadhana sa GMA 7.