Sanya happy sa simple birthday celebration

August 11, 2020
Sanya Lopez
Sanya Lopez

IPINAGDIWANG ng Kapuso star na si Sanya Lopez ang kaniyang ika-24 na kaarawan noong isang araw kasama ang pamilya. Simple ngunit masaya ang naging celebration ng aktres kahit nasa bahay lang.

“My wish on my birthday is for everybody to be safe all the time,” ang simple ngunit makabuluhang wish ng aktres. 

Inulan din siya ng well wishes mula sa mga kaibigan sa showbiz, kabilang na ang kaniyang "bida-bida sib" na si Jak Roberto, Lovi Poe, Julie Anne San Jose, Valeen Montenegro, Kate Valdez, Max Collins, at marami pang iba.