Sanya ibinida ang cooking skills sa vlog

August 16, 2020
 Sanya Lopez
Sanya Lopez

MAY bago na ring kinahihiligan ang Kapuso actress na si Sanya Lopez ngayong naka-quarantine. Sa kaniyang latest vlog, ibinida ng aktres ang kaniyang skills sa kusina sa pamamagitan ng pagpe-prepare ng paborito niyang ramen.

Pupuwede palang ma-enjoy ang sikat na pagkain na ito kahit na sa bahay lang. Tinuro ni Sanya kung paano niya inihanda ang ramen broth, noodles, at egg na kagaya at kasing-sarap ng mga nabibili sa Japanese restaurants. Mapapanood ang kabuuan ng video sa YouTube channel ni Sanya.

Samantala, nagdaos ng simpleng birthday celebration noong August 9 si Sanya sa bahay kasama ang kapatid na si Jak Roberto at ilang kamag-anak.

Patuloy pa ring napapanood si Sanya bilang Sangg're Danaya sa rerun ng ‘Encantadia' pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.