Sanya ipinakita na ang dream house

August 21, 2020
Sanya Lopez

ISANG bagong milestone ang narating ng Kapuso actress na si Sanya Lopez.

Finally ay natupad na ng magandang aktres ang pagkakaroon ng kanyang dream house matapos ang halos isang taon na pagpupursigi para rito.

Sa kanyang Instagram account, ipinasilip ng aktres ang naipundar na bahay. Dito na rin siya nagdiwang ng kanyang kaarawan noong August 9 kasama ang kapatid na si Jak Roberto at malalapit na kaibigan.

Samantala, patuloy pa ring napapanood si Sanya bilang Sang’gre Danaya sa rerun ng Encantadia sa GMA Telebabad.