Sanya Lopez nagkaroon na rin ng K-Drama fever

April 12, 2020
Sanya Lopez

MAGMULA nang ipatupad ang enhanced community quarantine sa buong Metro Manila, kani-kaniyang paraan ngayon ng pagpapalipas oras ang mga tao sa kanilang tahanan. Isa sa mga sikat na sikat ngayon ay ang app na TikTok at ang panonood ng mga Koreanovela. Gaya na lamang ni Kapuso actress Sanya Lopez na nakakaaliw na nag-dub kunwari ng tunog Koreana kahit Tagalog talaga ang mga salita sa kanyang TikTok video. Super relate naman ang mga followers ni Sanya na adik din sa panonood ng Korean dramas lalo pa at walang ibang mapagkakaabalahan sa loob ng bahay. 

“When you finished 15 episodes of Kdrama in 5 hours,” komento pa ng netizen na si Gabby. 

Sa video rin na ipinost ng dalaga ay ibinida nito ang bagong gupit na bangs na agad din namang napansin ng ilan, “sa sobrang bored ni ate Sanya nagpa-bang na rin siya!” Mapapanood ngayon si Sanya bilang si Sang’gre Danaya sa rerun ng Encantadia na mapapanood tuwing gabi sa GMA Telebabad pagkatapos ng 24 Oras. Samantala, abangan din si Sanya sa pagbibidahan nitong pinakabagong GMA series na Agimat ng Agila kasama si Senator Bong Revilla, Roi Vinzon at Allen Dizon.