Sarah continues to make waves

June 20, 2020
Matteo Guidicelli and Sarah Geronimo
Sarah Geronimo

POP superstar Sarah Geronimo continues to make waves sa gitna ng pandemya.

Ang music video ng kanyang 2016 OPM hit song na “Tala” culled from her 2015 album na “The Great Unknown” ay siyang most  viewed Filipino music video on YouTube na umabot na ng 141 million views.  Bukod dito, balik na rin siya sa telebisyon sa pamamagitan ng  “ASAP Natin `To” at bilang isa sa apat na coaches ng “The Voice Teens” kung saan niya kasama sina Apl.de.ap, Lea Salonga at Bamboo.

Kahapon, June 20 ay ika-apat na monthsary nina Sarah and husband Matteo Guidicelli bilang mag-asawa.  The couple got married secretly in an intimate Christian wedding last February 20, 2020. 

Sa July 25, Sarah will be celebrating her 32nd birthday and her first birthday celebration bilang misis ni Matteo.