Sarah, marunong nang mag-Bisaya

April 21, 2020
Matteo Guidicelli & Sarah Geronimo

Mukhang naaalarma na rin si Matteo Guidicelli sa pagtaas ng bilang ng COVID-19 cases sa Cebu, hometown ng aktor, kaya nagbigay siya ng video message para sa mga kabababayan kasama ang asawang si Sarah Geronimo.

“I’d like to introduce to you guys, the brand-new Cebuana, my wife,” ang pakilalka ni Matteo sa asawa sa Instagram video na ipinost niya para sa mga kapwa-Cebuano.

Ayon kay Matteo in Cebuano dialect, nakita nilang mag-asawa na tumataas na ang bilang ng COVID-19 positive sa Cebu.

So, “Sarah and I, we’ve been praying for each and every one of you guys there to please stay safe,” sabi ni Matteo.

Nanawagan din ang aktor sa mga fellow Cebuano na makinig sa ipinag-uutos ng gobyerno.

“Makinig kayo sa government. Kung lockdown, lockdown. Kung diyan lang sa bahay, diyan lang kayo sa bahay. Please lang, please keep safe.

“Wash your hands all the time. Please practice social distancing para hindi na tumaas ang numbers ng COVID-19 diyan sa Cebu,” mensahe ni Matteo sabay-sabi sa asawa ng “Love?” para ito naman ang magbigay ng message.

“Yes po,” sey ni Sarah, “please do our part to fight this virus by staying at home, ‘yun lang naman po. Ayo ayo mo tanan.”

Nakangiting sabi ni Matteo, “Marunong na mag-Bisaya si Mahal.”

“Ayo-ayo mo tanan” means “ingat kayong lahat” in Tagalog.

As we write, ayon sa report ay mayroon nang 173 coronavirus positive cases sa Cebu City.