Sarah masaya kay Matteo kahit di napapatawad ng magulang

June 09, 2020
Sarah Geronimo and Matteo Guidicelli
Sarah Geronimo and Matteo Guidicelli

Sa darating na June 20 ay apat na buwan nang mag-asawa ang Pop superstar na si Sarah Geronino at ang Fil-Italian singer-actor and entrepreneur na si Matteo Guidicelli at sa darating na July 25 ay first birthday ni Sarah bilang may asawa.

Walang alinlangan na masayang-masaya ang bagong mag-asawa sa kanilang pagsasama ngayon na lalo nilang nasubukan sa gitna ng lockdown.  Marami naman sa kanilang mga tagahanga ang umaasa na sana’y magkaroon na rin sila ng  baby although hindi ito ang priority ng mag-asawa sa ngayon sa rami pa nilang commitments na dapat harapin.

Although hindi pa rin naaayos ng mag-asawa ang kanilang problema sa parents ni Sarah, naniniwala ang dalawa na darating din ang tamang panahon para rito.

Nagpapasalamat naman si Sarah sa mainit na pagtanggap sa kanya ng pamilya ni Matteo at ito’y visible sa family gatherings ng Guidicelli family na binubuo ng parents ng singer-actor na sina Gianluca at Glenna Fernan-Guidicelli, mga kapatid ni Matteo na sina Paolo at Giorgia at mister nito, ang lawyer na si Ian Dato.

Actually, a little over two months lamang ang pagitan ng kasal ng magkapatid na Giorgia at Matteo.  Sina Giorgia at Ian  ay ikinasal nung December 8, 2019 habang nung February 20, 2020 naman (secretly) ikinasal sina Sarah at Matteo.

Samantala, malapit nang simulan ni Matteo ang filming ng “Penduko” na nakatakdang idirek ni Jason Paul Laxamana under Epik Studio ng Viva Films.  Hindi naman sigurado pa kung matutuloy ang binabalak na major concert ni Sarah sa Araneta Coliseum dahil sa present situation ng Covid-19 pandemic kung saan ipinagbabawal pa ang mass gatherings including concerts.