Sarah at Matteo first time nagsama sa isang commercial

August 09, 2020
Matteo Guidicelli and Sarah Geronimo
Matteo Guidicelli and Sarah Geronimo

TIYAK na natutuwa ang mga followers and supporters ng almost 6 months husband and wife team nina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay napapanood sila sa isang 3-part infomercial ng Meralco na nagsimulang umere nung nakaraang Biyernes, August 7.  Ito bale ang first time na nagkasama ang dalawa sa isang TVC magmula nang sila’y maging magkasintahan seven years ago.

Hanggang ngayon ay marami pa rin ang umaasa na sana’y magsama ang dalawa hindi lamang sa commercial kundi maging sa pelikula na hindi  imposibleng mangyari dahil nasa iisang bubong na sila ng Viva Artists Agency (VAA).

Samantala, hanggang ngayon ay wala pang balita kung naayos na ng mag-asawa ang kanilang problema sa parents ni Sarah.