Sarah at Matteo nag-celebrate at honeymoon sa Amanpulo

July 26, 2020
Matteo Guidicelli & Sarah Geronimo

SA ilang luxury and exclusive  resort in Palawan Islands, ang Amanpulo Resort nagdiwang ang mag-asawang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli ng isang intimate birthday celebration ng Pop Princess who turned 32 last Saturday, July 25.  `Yun na rin ang nag-silbi nilang delayed honeymoon matapos magpakasal ang dalawa sa isang secret wedding nung February 20, 2020.

Habang nasa Amanpulo ay nagtamin ang mag-asawa ng isang coconut tree  na magsisilbing souvenir ng couple sa nasabing lugar.

Ang mag-asawang Sarah at Matteo ay limang buwan nang kasal nung nakaraang July 20.