Sarah at Matteo namimili na ng gamit-pambahay

February 28, 2020
Matteo Guidicelli and Sarah Geronimo

IN fairness sa parents ng pop superstar na si Sarah Geronimo, they should be credited for raising their daughter well dahil lumaki itong mabait, marespeto at masunuring anak.  Natuto lamang si Sarah na suwayin ang mga magulang nang makialam ang mga ito sa usaping pag-ibig.

No man is good enough para kay Sarah kung sina Mommy Divine at Daddy Delfin ang tatanungin.

When Sarah was 25, dalawang beses siyang na-heart-broken dahil kina Rayver Cruz at Gerald Anderson. Ang mga magulang daw ni Sarah ang gumagawa ng paraan na mahiwalay ito sa sinumang guy na nagkaroon ng interes o relasyon sa kanilang anak.

Sa pagkakaalam namin, may namuo ring relasyon sa pagitan nina Sarah at John Lloyd Cruz.

Ang kanyang mister na si Matteo Guidicelli lamang talaga ang buong tapang na sinuong ang pagiging mahigpit ng parents ni Sarah.  

Nairaos man ang secret Christian wedding nina Sarah at Matteo, nabahiran naman ito ng gulo at kontrobersiya.

Sa ngayon, dahil sa rami ng kanilang commitments na dapat harapin, ipinagpaliban muna ng mag-asawa ang kanilang honeymoon.

Kabi-kabila ang mga product endorsements at projects ngayon ni Matteo. Nariyan ang pagsisimula ng shooting ng kanyang first full length movie sa Viva Films, ang “Penduko” na pinamamahalaan ng writer-director na si Jason Paul Laxamana.  Si Sarah naman ay tumatayong isa sa apat ng coaches ng “The Voice Teens” along with Lea Salonga, apl.de. ap (Allan Pineda) at Bamboo at nariyan pa ang “ASAP Natin `To” every Sunday plus product endorsements shoots at personal appearances.

Ayon kay Boss Vic del Rosario ng Viva na siyang nangangalaga ng respective careers nina Sarah at Matteo, nag-pitch na rin sila ng bagong movie project for Sarah.  Nakatakda ring magkaroon ng major solo concert si Sarah sa September pagkatapos ng kanilang sold-out two-day back-to-back concert ni Regine Velasquez, ang “Unified” sa Araneta Coliseum last February 14 & 15.

Samantala, namataang nagsa-shopping ng mga kagamitan sa bahay sa isang high-end department store ang mag-asawang Sarah at Matteo kasama ang kanilang celebrity doctor friend na si Dra. Vicki Belo at anak nitong si Scarlet Snow Belo.

Lahat ng mga nakakakita ngayon kina  Sarah at Matteo ay nagsasabi kung gaano kasaya ang bagong mag-asawa.