Sarah at Matteo, next year na ang kasal?

January 21, 2019
Sarah Geronimo & Matteo Guidicelli

DALAWA na among Sarah Geronimo's close friends  and contemporaries ang nag-asawa last year, sina Rachelle Ann Go at Christian Bautista. Kaya marami ang nagsasabi na baka si Sarah na ang susunod.

Mukhang naghihintay na lamang ito ng proposal mula sa kanyang boyfriend of almost six years na si Matteo Guidicelli.

Sarah is 30 turning 31 on July 25 at si Matteo naman ay 28 turning 29 on March 26.  May nagsasabi na baka hintayin lamang daw ni Matteo na siya’y mag-30 bago mag-asawa which means next year na.

Sina Sarah at Matteo ay dumalo sa Manila reception ng mag-asawang Christian Bautista at Kat Ramnani na ginanap sa Champagne Room ng Manila Hotel last December 2.  Dumalo rin si Sarah (minus Matteo) sa Boracay wedding nina Rachelle Ann at American husband nitong si Martin Spies sa Boracay nung April 19,  2018.

Malamang na sumasagi na rin sa usapan nina Sarah at Matteo ang kasal pero ayaw lamang nila itong  i-share sa publiko.  Although nananatiling low key ang relasyon ng dalawa, mas open na sila ngayon  kumpara noon.

Just very recently, nakita ang dalawa na nag-bonding sa pamamagitan ng dirt bike ride in Taytay, Rizal na sinubukan din ng Pop Princess.