Sarah at Matteo sa Italy ikakasal?

February 12, 2020
Sarah Geronimo and Matteo Guidicelli

SI Sarah Geronimo ang may pinakamaraming artist na naging grand winner sa The Voice Philippines.

Ito ang dahilan kung bakit paborito siya na maging coach ng mga contestant sa nasabing talent search. At ito rin ang dahilan kung bakit pinagkakaisahan siya ng kapwa coaches na sina Lea Salonga, Bamboo at Apl. de. ap para 'di mapunta sa kanya ang gusto nilang maging artist. Sa bagong season nito, may bagong power na ang mga voice coach. Bukod sa pag-steal, puwede na rin nilang i-block ang isang coach para 'di umikot ang chair sa artist na gusto niya. At una nang nasampolan si Sarah.

Ngayong nag-pilot na ang The Voice Teens, naka-focus naman ang Popstar Royalty sa Valentine's concert nila ni Regine Velasquez-Alcasid sa Araneta Coliseum ngayong February 14 at 15. Titled "Unified," this concert will be Sarah's last concert before she gets hitched with beau Matteo Guidicelli. Kaya marami ang umaasa na dudumugin ito ng fans.

Ngayon, kalat na ang balita na ikakasal na raw sila sa Italy ngayong Marso. And just recently, he injured himself suffering a slipped disc from his physical training. Matt is also into extreme sports. Sa nangyaring ito kay Matt, hindi ba kayang patigilin ni Sarah ang future husband sa extreme sports nito? Just asking...

Disclaimer:

For comments/reactions call or text 0905-558-4811 or email us at justasking_pj@yahoo.com