Sarah at Matteo six months nang kasal

August 19, 2020
Sarah Geronimo and Matteo Guidicelli

NGAYON, August 20, ay 6th month wedding anniversary nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli who went through a secret Christian wedding last February 20, 2020 at the Victory Church in Bonifacio Global City.

Although nasailalim pa rin ang Metro Manila ng general community quarantine (GCQ), mas na-appreciate ng young couple ang isa’t isa dahil parati silang magkasama.

Sina Sarah at Matteo ay mahigit anim na taong naging magkasintahan bago nagpakasal.

Although there was a time na na-link si Sarah kina Rayver Cruz at Gerald Anderson, si Matteo talaga ang first serious boyfriend ng pop superstar.

Samantala, hanggang ngayon ay clueless pa rin ang marami kung okey na ang mag-asawa sa parents ni Sarah na sina Delfin at Divine Geronimo.