Sarah, rason ng paglipat ni Matteo sa Viva

February 08, 2019
Matteo Guidicelli and Vic del Rosario
Matteo Guidicelli and Vic del Rosario

All smiles si Matteo Guidicelli nang dumating sa conference room kahapon ng pinakabago niyang tahanan, ang Viva Entertainment, Inc.

’Di maitago ang excitement ng aktor dahil simula ngayon, nasa iisang bubong na lang sila ng long-time girlfriend na si Sarah Geronimo, na isang pioneering Viva artist.

Ayon kay Matteo, si Sarah ang pinakamatimbang na dahilan kung bakit siya lumipat mula Star Magic ng ABS-CBN.

Dagdag pa niya, mas mature na ang relasyon nila ni Sarah kaya naman bukas na sila sa ideya ng pagtatambalan as a loveteam.

Hindi rin naiwasan ng press na tanungin ang 28- year-old na aktor kung may balak na ba silang magpakasal ni Sarah dahil sa nag-viral na singsing na ’di umano’y suot ng aktres.

Pabiro naman itong sinagot ni Matteo ng, “No, it’s too small.”

Kaya naman mas nanabik pa ang press kung talagang may plano na nga bang magpakasal ang dalawa na limang taon nang magdyowa.

Samantala, nagpasalamat si Matteo sa mga naibigay na projects ng Star Cinema sa kanya at nananatili raw siyang bukas sakaling magkaroon siya ng trabaho kasama ang Kapamilya stars.

Sa ngayon, nakalinya na ang mga project niya sa Viva, na ayon kay Matteo, pulos juicy at kaabang-abang.

Naghahanda na rin ang talent pool ng line-up ng mga posibleng makakatrabaho ni Matteo sa ilalim ng Viva.

Pero kung siya raw ang papipiliin, bukod, siyempre, sa GF na si Sarah, type niyang makasama sa proyekto ang mga gaya nina Cristine Reyes, Yassi Pressman, Anne Curtis at Xian Lim.

JCFP