Sarah in, Sharon out: Inspired

June 28, 2019
Sarah Geronimo
Sarah Geronimo

SARAH Geronimo is in while Sharon Cuneta is out.

Nagsimula na ang taping ng The Voice Kids Philippines Season 4 nitong nakaraang Huwebes. Kumpirmado na sina Sarah, Bamboo at Lea Salonga ang mga judge sa nasabing talent search.

Matatandaan na hindi umupo bilang judge si Sarah sa nakaraan season nito. Kaya naman si Sharon muna ang pumalit sa kanya. Mukhang ito 'yung mga panahon na may pinagdadaanan siya sa kanyang personal life.

Ngayon, buong-buo siyang haharap sa kids na nangangarap at susunod sa yapak nina Lyca Gairanod, Darren Espanto, JK Labajo, Elha Nympha at Esang de Torres. Dahil punumpuno ng pagmamahal ang kanyang puso ngayon. Kaya tiyak na mas inspired siya sa pagku-coach sa mga kids na papasok sa Team Sarah. At ngayon pa lang, inaasahan na ng kanyang mga fans na manggagaling sa team niya ang susunod na grand winner. Remember that she coached Lyca, the first-ever The Voice Kids Philippines grand winner.

Samantala, pang-apat na season na ito ng reality singing competition. Pero hanggang ngayon, wala pa ring nangyayari sa career ng Season 3 grand winner na si Joshua Oliveros. Marami rin ang umasa na tutulungan ni Sharon ang career ng kanyang Voice Kid na si Antonetthe Tismo na naging first runner-up. Ngunit wala na tayong nabalitaan kina Joshua at Antonetthe. Dahil dito, maki-claim ba ng The Voice Kids Philippines na naging successful ang huling season nito? Just asking...

Disclaimer:

For comments/reactions, call or text 0908-603-2179 or email us at justasking_pj@yahoo.com