Selos ang dahilan ng break-up

February 10, 2020
Daniel Matsunaga

ANG pagiging selosa ang isa sa mga dahilan ng break-up nina Daniel Matsunaga at ng kanyang Polish model girlfriend na si Karolina Pisarek.

Hindi nagsalita si Daniel nang mapabalita noong December 2019 na hiwalay na sila ni Karolina pero kinumpirma ito ng isang malapit sa kanya.

Diumano, si  Karolina ang may problema  dahil pinagseselosan niya ang mga kaibigan na babae ni Daniel.

May isang insidente raw na nagalit si Karolina nang makita niya sa cellphone ni Daniel ang pakikipagpalitan nito sa female friends ng mga harmless text message.

Lumala at humantong sa hiwalayan ang relasyon ng dalawa nang diumano, si Daniel naman ang nakakita ng mga intimate picture ni Karolina na ibang lalake ang kasama.

Idinagdag  ng source na posibleng nasakal din si Daniel kay Karolina dahil madalas ito na nakabuntot sa mga lakad niya, sa kabila ng pagkakaroon nila ng long distance relationship. Si Karolina ang palaging  sumasama kay Daniel sa mga  work-related commitment nito sa iba’t-ibang bansa.