Sen. Bong ayaw mangako

June 28, 2019

AYAW mangako ni Sen. Bong Revilla kung ano ang kanyang  immediate na gagawin sa muling pag-upo ng Senado pero marami na raw siyang naka-line-up na mga panukala na gusto niyang isulong.

“I will definitely be a working senator,” aniya sa thanksviging party given to him by a close friend na ginanap sa penthouse ng Frabelle Corporate Plaza in Makati nung nakaraang Huwebes, June 26 ng gabi na dinaluhan ng kanyang pamilya na pinangunahan ng kanyang misis, ang Bacoor mayor na si Lani Mercado at anak na si Cavite vice-governor Jolo Revilla na bitbit ang kanyang girlfriend (o fiancée?), ang dating beauty queen na si Angelica Alita, ang Regal matriarch na si Mother Lily Monteverde at iba pang malalapit na kaibigan and supporters ng senador. Pero hindi namin nakita roon ang dalawa sa closest friends ni Bong na sina dating Sen. Jinggoy Estrada at Phillip Salvador.

Samantala, nagkasama sila ng misis niyang si Lani (bilang reelected Bacoor mayor) at anak na si Jolo (reelectionist bilang vice governor ng Cavite) na nanumpa sa harap ni Pres. Rodrigo ‘Digong’ Duterte sa Malacanang kamakailan lamang.  Nakasama nina Bong, Lani at Jolo ang iba pang mga anak ng mag-asawa na sina Bryan, Inah, Gianna, Loudette at Ram.