Sen. Bong COVID positive, closely monitored ng doctor

August 10, 2020

COVID-19 positive ang actor-producer at senador na si Bong Revilla, Jr. at ito’y kanyang ibinalita sa kanyang FB account nung nakaraang Linggo, August 9, 2020.

Si Sen. Bong Revilla, Jr. ang pang-apat na senador na nag-positibo sa coronavirus pagkatapos nina Senators Juan Miguel Zubiri, Koko Pimentel at Sonny Angara na pare-pareho nang naka-recover.

Isa sa mga kasambahay ng pamilya ng senador at isa sa kanyang staff ang nagpositibo kaya agad nagpa-Covid-19 test ang buong pamilya ni Sen. Revilla at lahat ay nagnegatibo liban sa kanya.

Pero ayon sa senador, wala raw dapat ipag-alaala dahil naka-self quarantine na umano siya and closely monitored by his doctor.

Nakakaalarma ang sitwasyon ngayon sa Pilipinas (maging sa iba’t ibang bahagi ng mundo) dahil halos 130,000 na ang nag-positibo sa virus at mahigit 2,270 naman ang mga binawian ng buhay at 67,000 plus ang naka-recover.