Sen. Bong nagpapagaling na

August 24, 2020
Bong Revilla and Lani Mercado
Bong Revilla and Lani Mercado

HANGGANG ngayon ay marami pa rin ang patuloy na nagdarasal sa agarang paggaling ng actor-politician na si Sen. Bong Revilla na nag-positibo sa Covid-19 nung August 9 at isinugod naman sa pagamutan nung August 18 matapos ito magkaroon ng pneumonia.

Masaya namang ibinalita ng misis ni Sen. Bong na si Mayor Lani Mercado ng Bacoor, Cavite that her husband is responding well sa mga gamot at maaring makalabas na rin ito ng hospital in a week’s time.

Walang bantay si Sen. Bong sa kanyang hospital bed kaya  updated lamang ang kanyang pamilya sa tulong ng social media.

Si Sen. Bong ay pang-apat na senador na nag-positibo sa coronavirus.  Ang tatlo pa ay sina Sen. Juan Miguel Zubiri, Sen. Koko Pimentel at Sen. Sonny Angara na pare-pareho nang naka-recover.