Sen. JV to Jinggoy: 'Good luck'

March 22, 2019

HUMARAP ang  49-year-old incumbent senator na si Sen. JV Ejercito (Joseph Victor Gomez Ejercito) sa entertainment media nung nakaraang Martes, March 20 ng gabi para hilingin ang suporta ng mamamayan sa kanyang muling pagtakbo sa ikalawang pagkakataon bilang senador sa darating na May 13, 2019 mid-term elections.  Ang kanyang nakatatandang half-brother na si Sen. Jinggoy Estrada ay kandidato rin sa pagka-senador.

Ano ang masasabi rito ni Sen. JV Ejercito?

“Good luck na lamang sa aming dalawa,” simple niyang tugon.

Si Sen. JV ay kaisa-isang anak ni dating Pangulo at ngayon ay Mayor ng Maynila na si Joseph `Erap’ Estrada sa dating negosyante at ngayon ay mayor ng San Juan na si Mayor Guia Gomez.

Nagtapos ng elementarya at secondary education si Sen. JV sa Xavier School at nagtapos naman siya ng Political Science sa De la Salle Universtiy (Manila).

Sen. JV is married to Hyacinth `Cindy’ Lotuaco at may dalawa siyang anak na parehong lalaki, sina Julio Jose at Jose Emilio Ejercito.