Sen. Manny nagkaroon ng mahabang bonding time with family

April 05, 2020
Manny Pacquiao

TULAD ng ibang pamilya, naka-home quarantine ang pamilya ng boxing hero-turned senator na si Manny Pacquiao since March 24 kasama ang kanyang misis na si Jinkee at mga anak na sina Jimuel, Michael, Princess, Queenie at Israel.

Nang mag-positibo sa coronavirus (Covid-19) si Sen. Koko Pimentel, sinulatan si Sen. Manny ng kanilang barangay chairman sa Forbes Park in Makati City na kailangan niya at ng kanyang pamilya mag-home quarantine dahil sa kanyang exposure kapwa niya senador.  Kaya magmula nung March 24 ay naka-home quarantine ang buong mag-anak na siya namang pagkakataon sa kanila  na makapag-bonding nang husto hindi lamang sa hapag-kainan  kundi maging sa kanilang pagdarasal, panonood ng mga palabas sa telebisyon at  maging sa  pagi-exercise at pagsasayaw. Ito bale ang first time ng mag-anak na magsama-sama sa loob ng bahay sa gitna ng pinaigting na enhanced community quarantine sa buong Luzon.