Sen. Pacquiao tumulong sa pamamagitan ni Jack Ma kahit naka-quarantine

March 28, 2020
Manny Pacquiao and Jack Ma
Manny Pacquiao and Jack Ma

MASUWERTE ang Pilipinas dahil kaibigan ng boxing hero at senador na si Manny Pacquiao (41) ang bilyonaryong businessman at Alibaba founder na si Jack Ma na nag-donate ng P400-M worth ng Covid-19 testing kits – 57,000 pcs. at 500,000 pcs. ng face masks na idinaan sa Manny Pacquiao Foundation na agad na-turn over sa Dept. of Health (DOH).  Sa kabila nito, humihiling din si Sen. Manny ng tulong mula sa iba pa nating nakakaluwag na mga  kababayan na mag-donate ng additional funds na pambili ng mga additional testing kits at iba pang mga pangangailangan ng mga pagamutan at mga taong nasa frontline.

Ang pamilya ni Sen. Manny ay nasa ilalim  ngayon ng self-quarantine sa kanilang bahay matapos ma-expose ang senador sa iba nitong mga kasamahan sa senado na nag-positibo sa Covid-19.