Shaira naki-kipagsabayan kina Gabo at Jen

April 27, 2019

MASUWERTE ang young Kapuso actress na si Shaira Diaz sa newest project niya sa GMA-7. Co-star lang naman siya ng veteran actor na si Gabby Concepcion at Ultimate Star na si Jennylyn Mercado sa romantic-comedy series na Love You Two. Pero may “K” naman kasi talaga si Shaira na maging isa sa love interests ng karakter ni Gabo sa serye.

Sa last project niya sa Siyete na One Hugot Away,  marami ang napahanga ni Shaira. Bukod daw kasi sa natural chemistry nila ng kapareha niyang si David Licauco  sa “Walang Label” episode ng nasabing digital short film series, napatunayan ni Shaira na may ibubuga siya sa pagpapakilig at drama. Hindi nga nakapagtataka na umabot agad sa 1M views ang online episode ng One Hugot Away ilang araw lamang mula nang ipalabas ito sa GMA Network Facebook account. Ngayong sa TV naman mapapanuod si Shaira gabi-gabi, inaabangan ng viewers ang pakikipagsabayan nito kina Gabo at Jen.

Mukhang mas sinuwerte siya mula nang maghiwalay sila ni Edgar Allan Guzman. May mga showbiz personalities talaga na binabagayan ang pagkakaroon ng lovelife.