Sharon gusto nang mag-asawa si KC

August 13, 2020
KC Concepcion

KUNG ang megastar mom lamang ni KC Concepcion na si Sharon Cuneta ang masusunod, gusto na rin niyang lumagay sa tahimik ang kanyang panganay na anak (by first husband Gabby Concepcion) para magkaroon na rin siya ng apo.  After all, the singer-actress-host-dancer, songwriter, celebrity endorser and jeweller is more than of age to settle down and have a family of her own.  She turned 35 last April 7.

KC, Maria Kristina Cassandra Cuneta Concepcion in in real life, has been linked to several prominent men na ang pinakahuli ay ang French businessman and filmmaker na si Pierre Emmanuel Plassart whom everybody thought na siyang makakatuluyan ng singer-actress. Na-link din siya sa miyembro ng Black Eyed Peas na si apl.de.ap (Allan Pineda).  Pero walang kumpirmasyon mula sa dalawa.

She also had an array of celebrity ex-boyfriends in the past which include Rivermaya’s frontman Rico Blanco, TV host-actor Billy Crawford, director-turned politician Lino Cayetano, matinee idol, actor-singer-host Piolo Pascual, actor Paulo Avelino ang former football player, Fil-Am Aly Borromeo. 

Although these past few years ay naging busy si KC sa kanyang travels abroad, this time ay gusto niyang bigyan ng second shot ang kanyang showbiz career sa tulong ng kanyang bagong management company, ang Cornerstone Entertainment, Inc. na siya ring nangangalaga sa respective careers nina former Miss Universe Catriona Gray, Queen of All Media Kris Aquino, Sam Milby, John Prats, Erik Santos, ang mag-asawang Dingdong Avanzado at Jessa Zaragoza, Angeline Quinto, KZ Tandingan, Inigo Pascual, Jaya, Jay-R, Kyla, Gretchen Ho, Moira at marami pang iba.

Balik si KC sa pagiging celebrity endorser ng isang kilalang brand ng shampoo and at meron itong bagong TV or movie project na naka-line-up if not for the pandemic.

Si KC ay nagtapos ng bachelor’s degree in International Corporate Communications minor in Theatre Arts sa American University of Paris and took up other special courses.

Magmula nang mag-aral si KC sa Paris ay natuto siyang maging independent at maging less dependent sa kanyang celebrity parents.  Hinahangaan din siya sa kanyang positibong pananaw sa buhay.

Samantala, si KC ang kauna-unahang special guest ng “Usapang Real Life with Luchi Cruz-Valdez” na mapapanood ngayong Sabado, August 15 at 9 p.m. sa TV5.