Sharon nahirapang makasama si Direk Erik

April 23, 2019
Sharon Cuneta
Sharon Cuneta

ANG Kuwaresma ang unang pagsasama sa pelikula nina Sharon Cuneta at Erik Matti, na first collaboration din ng Reality Entertainment at Globe Studios.

Ito ang unang all-out horror film ni Sharon matapos na siya ay kilalanin na isang mahusay na aktres, with a grand slam best actress win to boot para sa Madrasta.

Kahit na very tight ang kanyang schedule ay tinanggap ni Sharon ang project dahil sa gripping story na isinulat nina Katski Flores at Erik Matti.

At dahil pangarap din ng Megastar na makatrabaho si Matti, go siya sa pelikula even if it meant na kailangan niya mag-stay sa Baguio for more than a month.

Nagsakripisyo talaga ng oras si Sharon for Kuwaresma. Kailangan na ayusin niyang mabuti ang kanyang sked para makapag shoot while may nakahanda rin siyang concert tour sa ibang bansa.

Happily, nagawa naman ni Sharon na ayusin ang oras niya para matapos ang Kuwaresma, since may playdate na ito ng May 15.

"The guy's a master of cinematic language, the horror genre is unquestionably his domain. I'm so glad to come back to my craft this way," pahayag pa ng megastar.

Ayon pa sa aktres, creatively speaking, itong Kuwaresma raw ang isa sa most rewarding, satisfying collaborations na kanyang nagawa.

"Direk Erik is a director who knows what he wants, whose passion and integrity for a film will inspire your own well of creativity to keep flowing, who will not compromise his vision while allowing and protecting your own," lahad ni Sharon tungkol sa kanyang director.

Ito naman ang sabi ni Direk Erik tungkol kay Sharon: "Ang dami niyang ginawang pisikal. Emotional, sobra! 'Yung iyakan, ang dugo talaga. Ang maganda kay Sharon, mataas ang respeto niya sa mga director. Pag umoo siya sa project, ibibigay niya ang sarili niya."