Sharon, proud sa pagtulong ni KC

April 04, 2020

PROUD mama ang megastar na si Sharon Cuneta sa pagtulong na ginagawa ng panganay niyang si KC Concepcion sa mga apektado ng COVID-19 pandemic.

Sa ilang Instagram posts ay sinaluduhan ni Sharon ang kabutihang loob ng anak na magsi-celebrate ng kanyang 35th birthday sa Martes, April 7.

“@itskcconcepcion I am so very proud of you for doing what you can to reach out and help people in this time of need, my baby! Mama’s heart is so happy. I must’ve have done something right. I love you!” caption ni Sharon sa isang IG post ng mga ipinamigay na items ni KC para sa mga kababayan at COVID-19 frontliners.

Ni-repost ni Sharon ang IG post ng anak nu’ng Miyerkules na nagsabing, “On a serious note, Filipinos have been coming together to help those on the frontline as consistently as we could. It’s so wonderful to see. Today, and yesterday, we sent out 400 ready-to-eat chicken & pork adobo in jars for our nurses, doctors, security guards and medical staff on duty.

“Veterans Memorial Medical Center yesterday, Perpetual Help Medical Center, Las Piñas today.

“Nakakaiyak. Nakaka taba din ng puso ang mga ngiti nila. Nahimasmasan sila, kaya nahimasmasan narin ako. Thank you @bigbadbawang and @mikaelmartinez for successfully distributing the 500 KILOS of rice I pledged for 100 families in BF! We can all make a difference whether we DIY, donate or make actions toward helping, big or small. Sabi nga ni Mayor @vicosotto, “Let’s just work.

“Walang Pilipinong dapat magutom, lalong lalo na sa mga panahong ito. Consistent sana ang food distribution natin sa mga napili nating lugar, hindi lang 1 time, dahil syempre mauubos at mauubos din yan. Tulungan tayo, Pilipinas,” pagtatapos ni KC.