Sharon, pumalag sa ‘Kiko unggoy’ tweet

June 09, 2020
Kiko Pangilinan & Sharon Cuneta

Hindi na sumagot ang basher ni Frankie Pangilinan at basher na rin ni Sen. Kiko Pangilinan sa comment ni Sharon Cuneta na, “Patingin naman ng pikchur mo. Tapang mo magsabi ng ‘unggoy,’ eh, nakakahiya naman sayo kung kamukha mo si brad pitt o angelina jolie. Awww...” at sinundan ng “That’s for the troll who said your dada’s a meenki.”

Tinawag kasing “Kiko unggoy” ng may Twitter handle na Pilipinas kong Mahal si Sen. Kiko sa comment niya sa Twitter post ni Frankie na dinedma nito.

Hindi rin kasi dapat sinasagot ang basher dahil iisa lang ang follower nito at nadiskubre ng followers ni Frankie na troll at kumikita sa paninira kay Kiko.

Pero si Sharon, hindi nakapagpigil at sinagot ang  basher. Napuri si Sharon sa pagiging “bold enough to support and defend (publicly) your husband sen. @kikopangilinan.”

Speaking of Sen. Kiko, may suggestion kami sa bashers niya to visit his IG account dahil marami kayong malalaman about farming at pagtatanim ng vegetables kahit sa paso.

Pati nga kung anong vitamins ang meron ang mga gulay, nasi-share ni Kiko dahil na rin ito sa may-ari sila ni Sharon ng Sweet Spring Country Farm na kung saan, ang mga tanim na gulay ay organic at chemical free.