Sharon shocks John: 'Sige sampalin mo ako. Sakalin mo ako.'

April 26, 2019
John Arcilla and Sharon Cuneta
John Arcilla and Sharon Cuneta

JOHN Arcilla says he never thought that one day, he’d be the leading man of Sharon Cuneta, with whom he is now paired in the Reality Entertainment horror offering, “Kuwaresma”. “Never ko talaga na-imagine na magkakapareha kami sa isang pelikula,” he adds. “We were all praying na sana tanggapin niya ang ‘Kuwaresma’ and I got so excited when I learned from Direk Erik Matti that she accepted the project.”

He admits he was cautious at the start of their shoot. “Siyempre, Sharon Cuneta 'yan, megastar yan, diva, and she earned all her titles. At first, I didn’t know what to expect, but first meeting pa lang namin, nag-click kami agad, kwentuhan kami agad. We talked about life, lahat. Di ko ine-expect, ang Sharon Cuneta, totoong tao pala. Napakasarap kasama.”

Acting with Sharon turned out to be a memorable experience. “It’s an honor to have the chance to work with her, an experience I can never forget. She’s a very generous actress. Kapag kaeksena mo siya, lahat ng kailangan mong emosyon, makukuha mo sa kanya kasi she’s very giving. I also saw her performance sa concert niya abroad and her performance on stage is an experience in itself.”

John is noted for his intense performances, like in “Heneral Luna”, and you can expect another superb portrayal from him in “Kuwaresma” as Sharon’s abusive husband.

“Bida-kontrabida 'yung role ko. May scenes na sasaktan ko si Sharon and siyempre, hesitant ako, pero siya pa ang nagsasabing, sige, sampalin mo na ako, sakalin mo na ako.  Ang galing niya talaga at may ginawa siya sa ‘Kuwaresma’ na hindi pa niya nagagawa sa kahit anong movie. Hindi ko sasabihin kung ano, basta abangan na lang ninyo when our movie opens in theaters nationwide on May 15. Guaranteed to give you a good scare.”

Direk Erik Matti says John is their only choice for the role of Sharon’s domineering husband.

“Si John kasi, very reliable na artista na puede mong itapon sa kahit anong role. Wala kaming ibang maisip kasi wala na sina Vic Silayan at Dindo Fernando na perfect for this role. E, si John, kayang-kaya niya ang character na bida-kontrabida so bagay na bagay siya sa role niya in ‘Kuwaresma’. At very professional siya dahil sinu-shoot namin ito sa Baguio, nagte-taping din siya for ‘Probinsyano’. So lagari siya sa shoot sa Baguio at taping sa Manila. At kahit pagod siya at napuyat sa taping, darating talaga siya on time sa Baguio to shoot for us. Ganun siya ka-professional.”