Sheena girl ang magiging anak kay Jeron

August 25, 2020
Sheena Halili

BABY girl ang magiging first baby ng Starstruck Season 1 alumna-turned Kapuso actress na si Sheena Halili sa kanyang husband of six months na si Atty. Jeron Manzanero, City Administrator ng Pasig City kung saan si Vico Sotto ang mayor.

Si Sheena ay ikinasal kay Jeron nung February 23, 2020.  June naman nang kanyang i-anunsyo ang pagbubuntis.

Si Sheena ay pinsan ng isa pang Starstruck alumna at Kapuso actress na si Katrina Halili na may almost 8-year-old daughter na si Katie (Katrence Lawrence Halili Cadevida) sa Fil-Am singer na si Kris Lawrence.