Sheena sinorpresa ang asawa sa anniversary

August 18, 2020
Sheena Halili
Sheena Halili

SWEETNESS overload ang inihandang surprise celebration ng Kapuso actress na si Sheena Halili para sa asawang si Jeron Manzanero sa nakaraan nilang third year anniversary.

Hindi raw inasahan ni Jeron na magse-celebrate pa sila ng ika-3 anibersaryo ng pagiging magboyfriend-girlfriend ngayong kasal na sila pero "pasaway" raw ang kanyang misis. Kahit na nagdadalang-tao, hindi raw naging hadlang ito para kay Sheena na maghanda ng isang simpleng sorpresa.

Ibinahagi ito ni Jeron sa kaniyang Instagram, “My girl surprised me today! We actually agreed that from now on, we'll just celebrate our anniversary every 23rd of February (our wedding day)! But I guess, pareho kaming pasaway, cause we're just sweet that way.”

Excited na ang dalawa sa paparating nilang baby girl.