Sheena todo-handa na sa panganganak

August 26, 2020
Sheena Halili
Sheena Halili

BUSY ngayon ang mom-to-be na si Sheena Halili sa paghahanda para sa nalalapit niyang panganganak.

Kuwento ng Kapuso actress, mas mainam na ngayon pa lang ay pinaghahandaan nang mabuti ang mga hospital needs at gamit para sa kanilang baby girl.

Sa kanyang Instagram, ibinahagi niya sa kanyang followers ang ginagawang pagri-research ng mga ligtas at de-kalidad na produkto na kanyang planong bilhin at gamitin.

Aniya, “Kapit lang mommies! I will share everything 'pag nabuo ko na ang nursery, hospital needs namin. Alam kong hindi madali ngayon dahil online shopping lang tayo at hindi natin ito nakikita, nasusubukan, nasusukat sa personal tapos kailangan natin maghintay ng ilang araw para sa delivery! Kaya I will try to help you.”

Dagdag na tip pa ni Sheena, “Mas maaga tayo mag-start [maghanda] para hindi tayo ma-stress.”