Sheryl dumalo sa graduation ng anak sa Amerika

June 23, 2019
Sheryl Cruz with Ashley Nicole
Sheryl Cruz with daughter Ashley Nicole

KAHIT sa Amerika naka-base ang kaisa-isang 18-year-old daughter ni Sheryl Cruz sa kanyang Fil-Am ex-husband na si Norman Bustos na  Ashley Nicole Cruz Bustos, closely in-touch ang singer-actress sa kanyang unica hija.  Katunayan, nung nakaraang June 7 ay lumipad si Sheryl patungong Sta. Clara, California to visit her daughter and at the same time para dumalo sa high school graduation nito last June 8 kasama ang kanyang ex-husband na si Norman.

Ang dating mag-asawa ay tatlong beses ikinasal in 1996 una sa kanilang civil wedding na ginanap sa Lake Tahoe, Nevada na sinundan ng kanilang church grand wedding in Greenhills, San Juan.  Nagpakasal din ang former couple sa San Francisco, California kung saan sila namalagi until their divorce in 2008.

Nang magkahiwalay sina Sheryl at Norman ay bumalik ng Pilipinas ang singer-actress at tumira siya sa kanyang tiyahing si Susan Roces at muling ipinagpatuloy ang kanyang showbiz career.

Ang 45-year-old na si Sheryl ay isa sa tatlong anak ng estranged couple na sina Rosemarie Sonora at ang yumaong si Ricky Belmonte na parehong stars noon ng Sampaguita Pictures.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay sumubok si Sheryl sa pulitika nang siya’y tumakbo sa pagka-konsehal ng ikalawang distrito ng Manila nitong nakaraang mid-term elections (May 13, 2019) pero hindi siya pinalad na manalo.

Sheryl severed her relationship with her aunt, movie queen Susan Roces and cousin Sen. Grace Poe when the latter ran for president in the 2016 Presidential elections and up to this time ay hindi pa rin sila nagkakaayos unless si Sheryl mismo ang mag-reach out sa kanyang tiyahin at pinsan.

Matagal na ring nakabukod si Sheryl ng tirahan.