Simpleng selebrasyon sa gitna ng covid 19

March 22, 2020

ISANG simpleng family celebration ang ginanap last Saturday, March 21 para  sa ika-2nd birthday ng second son at bunso sa dalawang anak ng mag-asawang Richard Gutierrez at Sarah Lahbati na si Kai.

Dahil din sa pagkalat ng COVID-19, isinantabi na muna ng mag-asawang Richard at Sarah ang malaking birthday celebration.

Maging ang grand wedding celebration ng mag-asawa ay naurong din to a much later date pero natuloy nung March 14, 2020 ang kanilang civil wedding na ginanap sa satellite office in SM Aura in BGC, Taguig City ni Mayor Lino Cayetano officiated by a judge.

Marami ring ibang major events ang na-postpone at nagkansela dahil sa COVID-19 outbreak.