Singer maayos ang buhay sa Las Vegas, dating manager nawawala

February 19, 2020
Michael Laygo
Michael Laygo with wife Alma

NATATANDAAN n'yo pa ba si Michael Laygo? Siya ay dating recording artist ng Alpha Records noon na frontliner sa self-produced entertainment show noon ng kanyang dating manager na si Boy C. de Guia sa PTV-4, ang “Starbrighters.” Unfortunately, the show depleted the finances of his former manager.  Nang mawala sa ere ang nasabing youth-oriented show na piniliit noon ni Kuya Boy na itapat sa “That’s Entertainment” show ni Kuya Germs (Moreno) on GMA, nagpatuloy sa kanyang singing career si Michael bilang recording artist ng Alpha Records ni Buddy de Vera.  

Sa kalaunan ay nag-asawa si Michael at napangasawa niya ang dating actress-turned-manager ni Michael na si Jennylyn `Joy’ Gomez de Guzman-Laygo.  Hindi nagtagal ay nag-migrate ang mag-asawa at mga anak sa Las Vegas, Nevada hanggang mapabilang si Michael sa generation-old na Society of Seven na pinagmulan ng mga veteran singer tulad ng yumaong si Bert Nievera (ama ni Martin Nievera), Jun Polistico, the late Gary Bautista at iba pa.

Maganda na ang takbo ng buhay sa Las Vegas ni Michael at ng kanyang pamilya nang isang matinding pagsubok ang dumating sa kanila.  Ang wife ni Michael na si Joy ay nagkasakit ng TB meningitis (a life-threatening infectious disease that causes inflammation of the membranes that surround the brain and the spinal cord) na naging dahilan ng pabalik-balik nito sa pagamutan.  Dumating pa sa punto na halos walang-wala na si Michael dahil sa patuloy na gamutan ng kanyang misis.  There even came a point na nagkaroon ng fund-raising shows for Michael’s wife at kasama sa nagbigay ng suporta ay sina Martin Nievera at Lani Misalucha who offered their talents for free.  Nagkaroon din ng ischemic strokes noon si Joy hanggang tuluyan na siyang bumigay on June 20, 2018.  Pero nagpakatatag si Michael for their children.

But time heals all wounds, so they say.  Kamakailan lamang ay muling nag-asawa si Michael sa isa ring Filipina na nagngangalang Alma. Ang bagong couple ay nag-celebrate ng kanilang belated honeymoon at Valentine’s Day sa The M Resort Spa and Casino Flat Suite in Las  Vegas, Nevada.

“Life is good!  God is life!  Thank you Father for giving US this chance to live our lives and continue to live it despite all the obstacles, hurts and trials we have to go through.  Thank you for giving US the chance to LOVE again and be in LOVE and to continue our lost love,” penned by Michael sa kanyang post on social media account.

Samantala, up to this very day ay clueless pa rin ang marami at mga taga-entertainment media kung nasaan na ang dating manager ni Michael, ang veteran entertainment writer, talent manager at PR practitioner na si Kuya Boy de Guia na basta na lamang naglaho na parang bula.