Singing idol na naging komedyante at direktor

April 04, 2020

BAGO  ipinatupad ang Luzon-wide enhanced community quarantine nung nakaraang buwan (Marso) ay nakapag-celebrate ang mag-asawang Edgar `Bobot’ Mortiz at Milette Santos-Mortiz ng kanilang 43rd wedding anniversary nung March 3 kasama ang kanilang respective families at malalapit na kaibigan.   Ang mag-asawa ay may apat na anak – sina Badjie, Frasco, Frances at Carmela. Sa apat, sina Badjie at Frasco ang nagmana sa kanilang ama sa pagiging director although  pumasok din bilang actor-comedian ang una (Badjie) habang sina Frances at Carmela ay pareho ring involved sa production works.

Si Milette ay nakababatang kapatid ng ABS-CBN executive, ang actress at host ng “Maalaala Mo Kaya” na si Charo Santos at ng dating managing director ng Star Cinema na si Malou Santos.

Si Bobot ay isa sa mga popular young idols nung dekada 70 na naging ka-loveteam noon ng Star of All Seasons na si Vilma `Vi’ Santos (Vi and Bot) at kapanabayan noon ng  loveteam ng Guy and Pip nina Nora Aunor at Tirso Cruz III.

In 1970, ang dalawang hottest loveteams ay pinagsama sa pelikulang “Young Love” na pinamahalaan ni Tony Cayado under Sampaguita Pictures.

Ang tambalan nina Vi at Bot ay nakagawa pa ng ilang pelikula noon at kasama na rito ang “The Young Idols,” “Sweethearts” “My Pledge of Love” among others.

Si Bobot ay nakagawa ng limang albums sa bakuran ng Vicor Music Corporation na pag-aari at pinamumunuan pa noon ng magpinsang Vic del Rosario, Jr. at Orly Ilacad.  Biggest selling  single and album noon ni Bobot ang “My Pledge of Love” na ginawa pang titulo ng movie nila ni Vi.

Although singing ang pinagmulan ni Bobot nang siya’y sumali sa amateur singing contest na “Tawag ng Tanghalan,” napunta siya sa pagiging actor-comedian and eventually sa pagiging TV and movie director.

Actor-director si Bobot sa long-running weekly sitcom na “Home Sweetie Home: Extra Sweet” na nagsimula nung 2014.  Ito’y unang pinagbidahan nina John Lloyd Cruz at Toni Gonzaga hanggang mag-desisyong tumigil (pansamantala) sa kanyang showbiz career si John Lloyd in October 2019.  Pero nagpatuloy ang sitcom na dalawang beses na ring  nag-reformat.

Si Bobot din ang director ng longest-running kiddie gag  show na “Goin’ Bulilit (2005 – 2019) na nagpaalam na sa ere nung isang taon.

Ang iba pang successful weekly gag show na ume-ere pa rin hanggang ngayon ay ang “Banana Sandae” na nagsimula nung 2008.

Other TV shows na dinirek noon ni Bobot ay ang “Tropang Trumpo” ng ABC-5 ning Michael V., Ogie Alcasid at iba pa bago noon lumipat ang dalawa sa GMA para gawin ang “Bubble Gang” na hanggang ngayon ay pinangungunahan pa rin ni Michael V. minus Ogie na lumipat noon sa TV5 then sa ABS-CBN.

Ang iba pang programa na dinirek ni Bobot ay ang “Magandang Tanghali Bayan,” “Wowowee,” “Let’s Go,” “Pilipinas Win na Win,” “Luv U” at iba pa.