Sketch ni Kim Domingo, most viewed ‘Bubble Gang’ video sa YouTube

April 21, 2020
Kim Domingo
Kim Domingo

HOT topic at viral ngayon online ang ‘Bubble Gang’ sketch ni Faye Lorenzo sa Kapuso gag show na "Shoplifter", na umani na ng higit 17.6 million views matapos lamang ng dalawang buwan. Ngunit hawak pa rin ni Kim Domingo ang number one spot ng highest number of views sa YouTube para sa kanyang sketch na “Touch Therapy” kasama si Paolo Contis. Higit 22 million views na ito at ipinalabas noong April 2016. Samantala, patuloy na napapanood ang ‘Bubble Gang’ tuwing Biyernes, pagkatapos ng ‘Meant to Be’sa GMA-7.